May 17, 2024

P30-K SHABU NALAMBAT SA 2 MANGINGISDA

ARESTADO ang dalawang mangingisda matapos makunan ng nasa P30,600 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Antonio Ramos Jr., 43, at Bryan Racca, 33, kapwa ng Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Balasabas, dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Pantalan Uno, Brgy. Tangos South kung saan isang undercover police ang nagawang makaiskor sa kanila ng isang sachet ng shabu.

Nang tanggapin ng mga suspek ang P300 markadong salapi mula sa buyer kapalit ng droga ay agad silang dinamba ng mga operatiba.         

Nakuha sa mga suspek ang limang sachets na naglalaman ng 4.5 gramo ng shabu na nasa P30,600 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.