ARESTADO ang isang moro na nagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na operatiba ng PDEA BARMM, PNP Maritime, 99th Infantry Batallion ng Philippine Army, Cotabato City Police Office-CCPO Police Station 3, NBI BARMM, HPG-BAR, DOS-MPS, at CCPO-CDEU dakong 2:40 ng madaling araw ng Miyerkules sa Brgy. Bubong Road, Tamontaka 1 ng Cotabato City.
Kinilala ang suspek na si Buhare Tutin Abusupian alyas Warex Guinno at kilala rin sa alyas na Tutin/Misuari, 22, may asawa at residente ng Barangay Damablac, Talayan sa Maguindanao.
Base sa ipinadalang report ng PDEA BARMM kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasakote sa inilatag na nabanggit na operasyon ang suspek ng makipagtransaksyon sa isa Pdea undercover agent na tumayong poseur buyer.
Narekober sa suspek ang sampung piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang sa 500 gramo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, boodle marked money at isang cellular phone.
Sinabi pa ni Director Villanueva na nag-o-operate ang suspek sa mga kalapit bayan sa Maguindanao at Cotabato City. Nakakulong na ngayon sa PDEA BARMM Jail Facility ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at Section 11 (Possesion) ng Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. of 2002. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY