January 13, 2025

P3.3-M ALAHAS NILIMAS NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON


Dumulog sa istasyon ng Tiaong Municipal Police Station ang isang senior citizen na biktima para i-report ang nangyaring pagnanakaw at panglilimas sa kaniyang mga alahas na aabot sa halagang 3.3  Milyon Piso ng hîndi pa kilalang suspek na nadiskubre kahapon ng umaga ng Linggo, January 12, 2025 sa Hacienda Escudero, Brgy. Bulakin ng Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ginoong Ramon Gomez Talusan, 69 anyos.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga imbestigador na may hawak ng kaso na nakita niya umano ang isang shoulder bag at isang back pack na pinaglalagyan ng mga alahas nasa labas ng kanilang residential house at bukas ang maliit na bintana sa likod ng kanilang bahay duon na niya napag-alaman na nawawala ang mga pagmamay-aring mga alahas tulad ng mga sumusunod; Assorted gold jewelries worth P2,000.000., 1 pc. Rolex GMT 2 wrist watch worth P885,000.00., 1 pc Gold Rolex Oyster wrist watch worth P354,000.00, 2 pcs.Movado wrist watch worth P29,000. 00. each, Shînola wrist watch worth P23,600.00 each at Coach wrist watch worth P11,800.00.at may kabuoang P3,355,000.00.

Nagpapatuloy ang ginagawang follow up investigation ng mga otoridad sa pamamagitan ng pagreview sa mga CCTV at hiningi na rin ang tulong ng Scene of the Crime Operatives o SOCO para sa technical investigation sa crime scene. (Erichh Abrenica)