January 22, 2025

P29-M halaga ng tulong ibinigay sa mga pamilyang naapektuhan ng Bulkang Kanlaon

NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno sa mga pamilya na apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon na nagkakahalaga ng P29 milyon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakatanggap ang Region 7 (Central Visayas) ng P11,999,208.53 habang P17,013,481 naman sa Region 6 (Western Visayas) na halaga ng tulong na kinabibilangan ng mga family food pack, hygiene kit, sleeping kit, at modular tent. Dagdag pa dito ang P364,000 halaga ng face mask.

Tinayang nasa 9,696 pamilya sa parehong rehiyon ang nabigyan ng tulong, pero ayon sa NDRRMC pero posibleng mabago pa ang bilang dahil sa patuloy na ginagawang validation.

As of Dec. 16, aabot sa 10,783 pamilya ang apektdo o 43,970 katao na naninirahan sa 26 barangay sa dalawang rehiyon.

Sa bilang na ito, 4,278 pamilya o 13,784 katao ang nananatili pa rin sa 27 evacuation centers.