Ininspeksyon kamakailan lang ng Bureau of Customs (BOC) ang warehouse facility ng ECOM Electronics Reconditioning Services na matatagpuan sa RIS Industrial Complex 168 Mercado St. Lot 3U, Malis, Guiguinto, Bulacan.
Natuklasan sa isinagawang inspeksyon ang isang stash ng umano’y smuggled Smart Televisions (Smart TVs) at computer system units.
Inihain ng binuong team ng mga tauhan mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – Port of Manila, Criminal Investigation and Detection Group – Philippine National Police, Enforcement and Security Service – Port of Manila at legal Service, RCMG, ang Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Inilabas ang LOA base sa natanggap na impormasyon kaugnay sa subject na warehouse.
Habang iniinspeksyon, nadiskubre ng Implementing team ang iba’t ibang telebisyon na magkakaiba ang sukat, makina na ginagamit sa lamination, mga kahon na ginagamit sa packaging at raw materials para sa reconditioning at repair.
Aabot sa P20 milyon ang halaga ng mga nasabing produkto na nadiskubre sa loob ng warehouse.
Kasunod ng imbentaryo, naglagay ang pangkat ng operatiba ng mga temporary seal at padlock sa bodega upang ma-secure ang bodega.
Kailangan may maipakita ang mga may-ari ng bodega ng importation documents o proof of payment. Kung mapapatunayan na walang wastong import documents, ang mga laman ng warehouse ay maaring isailalim sa seizure at forfeiture proceeding dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration in Goods Declaration) na may kaugnayan sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) ng Republic Act No. 10863, kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
“This marks another successful effort in combating smuggling activities and upholding customs regulations in the country,” saad Commissioner Rubio. “The BOC remains committed to safeguarding the nation’s borders and ensuring compliance with importation laws,” dagdag niya.
Hinimok ng Commissioner ang lahat ng mga negosyante at indibidwal na mag-comply sa customs regulation at iwasan na masangkot sa illegal na aktibidades.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON