Nag-donate ang New San Jose Builders, Inc (NSJBI), isang property developer na pag-aari ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar, ng P20 milyon para sa reelection campaign ni Senator Joel Villanueva noong 2022, ayon sa ulat na inilathala ng Philippine Center for Investigate Journalism (PCIJ).
Matapos suriin ang statement of contributions and expenditures (SOCEs) na isinumite ni Villanueva at ng iba pang kandidato matapos ang 2022 elections, inilarawan ng PCIJ ang kontribusyon ng NSJBI bilang “the single biggest corporate donation to a senatorial candidate.”
Ang anak ni Jesus is Lord Church founder at CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva ang nag-iisang senatorial bet na sinuportahan ng NSJBI ng pinansiyal, ayon sa PCIJ.
Nasilip ng PCIJ ang donasyon dahil ito ay ginawa isang taon ang nakalilipas matapos makakuha ang kompanya ng P2.147 bilyon na kontrata para sa pagpapatayo ng 19-story office ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, nakasaad na, “candidates are prohibited from receiving donations from natural or juridical persons who hold contracts or subcontracts to supply the government or any of its divisions, subdivisions or instrumentalities, with goods or services or to perform construction or other works.
“NSJBI’s contract with NHA is effective from 2021 to 2025, according to Philgeps (Philippine Government Electronic Procurement System (Philgeps) data. So when the company donated to Villanueva’s campaign purse last year, the contract was in effect. It continues to be so,” saad ng PCIJ.
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Acuzar bilang head ng DHSUD noong Hulyo 2022.
Ayon sa PCIJ, wala pa silang natatanggap na komento mula kay Villanueva o maging sa NSJBI simula nang inilathala sa online ang naturang artikulo noong Mayo 12.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag