NASABAT ang tinatayang mahigit sa P2 milyon halaga ng shabu sa dalawang bebot na tulak umano ng illegal na droga matapos naaresto ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa buy bust operation sa Taguig City.
Kinilala ni NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ang mga naarestong suspek na si Halima Macalunas, alyas “Halima”, 48, may-asawa at Ponggo Pagayao, 20, kapwa ng Cagayan de Oro St. Brgy. Maharlika Taguig City.
Ayon kay Hidalgo, sa pamamagitan ng Intelligence driven operation ay isinagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Renato Castillo ang planned buy-bust operation dakong alas-7 ng gabi sa Cagayan de Oro St . Brgy. Maharlika Taguig City na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P2,040,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 64 pirasong boodle money, eco bag at cellphone.
Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Vicente Danao, Jr. ang NPD-DDEU na ang matagumpay aniya na operasyon ay bahagi ng pinaigting na pagsisikap ng PNP kontra sa illegal na droga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA