November 5, 2024

P2.6 milyon na halaga ng pekeng sigarilyo nasabat ng BOC

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.6 milyon

Bitbit ang Letter of Authority na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, sinalakay ng BOC Quick Reaction Team at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang isang warehouse sa Santiago, Isabela kung saan nadiskubre ang isang abandonadong truck na may kargang 86 master case ng pekeng Marvel at Mighty na sigarilyo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbentaryo ang BOC upang malaman ang eksaktong dami at halaga ng mga nasabat na pekeng sigarilyo na tinatayang nasa halagang P2.6 milyon.

“The Bureau of Customs reiterates its commitment to prevent the entry of smuggled and fake goods as the same may have serious effects on the health of unknowing users as well as the impact it will have on legitimate manufacturers and importers,” ayon sa BOC.