SINUNOG at sinira ng mga pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU), Kalinga Police Provincial Office, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC) Regional Mobile Force Batallion (RMFB), at ng PNP Special Action Force (SAF) ang hindi bababa sa 795,000 fully grown marijuana plants sa isinagawang raid sa magkakahiwalay na labing walong marijuana plantation sites sa lugar ng Mount Chumanchil, Barangay Loccong at sa Sitio Ballay, Barangay Tulgaw sa bayan ng Tinglayan noong araw ng Huwebes at Biyernes.
Base sa ulat ni Cordillera Regional Director PBGen. Ronald Lee kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, aabot sa pitong ektarya ang naturang Marijuana Plantation na kanilang pinuntahan at nagkakahalaga ng One Hundred Ninety Three Million Pesos (Php193,000.000) ang halaga ng mga sinunog na dahon ng Marijuana.
Nasabat din ng mga raiding teams sa lugar ang 52.2 kilograms ng mga pinatuyong dahon ng Marijuana at mga tangkay nito at labing apat na botelya ng Cannabis Oil.
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang may ari ng lupa at ang mga maintainers ng naturang taniman.(KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA