NASABAT ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae ang nasa P139K halaga ng shabu matapos mabitag sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Paltok St, Brgy. Daanghari kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Gregorio Rico alyas “Gorio”, 50, (pusher/listed).
Nang tanggpin ni Rico ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama si Renante Reyes alyas “Nante”, 47, (user/listed) na nakuhanan din ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 74,800.00, marked money at P500 recovered money.
Dakong ala-1:35 ng madaling araw nang maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Rosal St., Brgy. San Roque sina Joven Condeno alyas “Bicol”, 43, (pusher/listed) at Melani Dela Cruz alyas “Lani”, 43, matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.
Narekober sa kanilang ang nasa 9.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 64,600.00, marked money at P700 recovered money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA