May 16, 2024

P136-M shabu nasamsam ng PDEA sa Parañaque

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek matapos mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P136 milyon sa isang buy-bust operation sa Parañaque City noong Lunes ng umaga.

Kinilal aang mga suspek na sina Mangie Satolombo, 49, residente ng Barangay 186, Maricaban, Pasay City at Carlos Vallente, 27, ng Baldyos, Purok 5, Sta. Ignacia, Tarlac.

Nasamsam sa mga suspek ang 20 kilo ng shabu at dalawang cellphone sa isinagawang operasyon sa Pacific Avenue, Barangay Tambo.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.