ARESTADO ang tatlong suspek habang nakasamsam ang mga otoridad nang mahigit isang daang milyong pisong halaga ng bawal na droga sa ikinasang buy-bust sa Pasig City, Miyerkules ng gabi, Agosto 19.
JOJIT ALCANTARA / AGILA NG BAYAN
Kinilala ang mga nadakip na sina Joel L. Narido,b alias “Noel”, 39, ng 290-3 Westbank Road, Maybunga Pasig City; Maria Teresa S. Concil, 35, ng 1664 Onyx Street, San Andres Bukid, Maynila; at Ronald Solomon, 41, residente rin sa1664 Onyx Street San Andres Bukid , Maynila.
Pasado alas-7 kagabi nang madakip ang mga suspect sa buy-bust operation sa 290-3 Westbank Road, Brgy Maybunga, Pasig City na inilatag nang magkakasanib na puwersa ng Special Operation Unit 4 PNP-DEG na pinamumunuan ni PLt. Col. Glenn Gonzalez katuwang ang RID, NCRPO; DID at DEU-EPD sa pamumuni ni P/Col Wilson Joseph Lopez kasama si PLt. Col Reggie Lacsamana; SDEU,PASIG CPS; at ang PDEA-NCR.
Nakuha sa mga suspek ang 20 vacuum sealed yellow foil packs na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa GUANYINWANG Chinese tea bag na tumitimbang ng 20 kilo ng shabu na ayon sa DDB ay nagkakahalaga ng ₱136-M at isang milyong pisong boodle money.
Kaugnay nito, sinabi ni Lopez, DDDO-EPD, na isasalang sa masusing imbestigasyon ang mga suspek upang matukoy ang pinanggagalingan ng illegal drugs at ang lawak na inaabot ng mga salarin kasama ang mga kasabwat.
Ang mga suspects ay nasa pangangalaga na ng Philippine Drug Enforcement Group at ipaghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The PNP will be relentless in our pursuit of criminals even as we are facing the challenges of COVID-19 pandemic,” ayon kay PCol. Lopez.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?