ARESTADO ng anti-narcotics agents at pulisya ang mag-live in partner dahil sa pagtutulak ng droga kung saan nasamsam sa kanila ang mahigit sa P13 milyon halaga ng shabu sa magkasunod na buy-bust operation kahapon.
Isinagawa ang unang operasyon sa North Reclamation Area, Barangay Subangdaku, Mandaue City, Cebu, na nagresulta sa pagkaaresto ni Fatima Veraces ng Brgy. Mambaling, Cebu City, makaraang mahulihan ng 1.5 kilo ng shabu na may halagang P10.2 milyon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7).
Kasunod nito, nadakma rin ng mga awtoridad ang kanyang live-in partner na si William Lopez., sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City, dakong alas-4:30 ng hapon, na nakuhaan din ng shabu.
Sumatotal, umabot sa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon ang nasamsam sa mga suspek. Nakuha rin sa kanila ang cell phones, multicab at iba pang ebidensiya.
Nahaharap sa kaso sina Veraces at Lopes sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA