Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P120 milyon halaga ng hinihinalang smuggled poultry at seafood products makaraang salakayin ang pitong warehouse o cold storage sa Navotas.
Kabilang sa nasabing produkto ang frozen pork legs, chicken drumsticks, chicken feet, pork spareribs at laman ng baka habang ilang seafoods tulad ng squid rings, crayfish, golden pampano at fish tofu.
Nagtungo ang mga operatiba na binubuo ng BOC, Customs Intelligence, and Investigation Service -Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service (NMIS) at Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing mga warehouse para i-implent ang Letter of Authority (LOAs) na may lagda ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Pinangunahan ni CIIS-MICP chief Alvin Enciso ang BOC team para ihain ang LOAs na sinundan ng pag-iinspeksyon sa mga warehouse.
Nagkakahalaga ng halos P120 milyong ang naturang produkto mula 7 warehouse.
Habang ang isang bakanteng warehouse ay sinadyang gawing cold storage facility.
Napag-alaman na ang nasabing produkto ay nanggaling sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Brazil, Australia, United States at Russia.
Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng mga may-ari ng naturang warehouse matapos madiskubre na wala itong hawak na importation documents o proof of payment mula sa Customs authorities.
Pinuri ni Rubio ang trabaho ng grupo sa mabilis nitong pag-aksyon.
“This is outstanding work by our law enforcement officers and our bureau personnel. I understand how much effort and commitment it takes to inspect all of these warehouses in just one day. It also goes to show how important proper coordination is among government agencies because these operations won’t be possible without it,”saad niya.
Binigyang-diin naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy kung papaano napigilan ng border protection ang economic impact ng smuggled na mga produkto na pumapasok sa Philippine markets. “Our officers have once more shown their diligence to target, detect, and intercept potential threats to our people’s economic activities. This is just one of the ways how the bureau protects the public—by keeping these products away from consumers and thus safeguarding the livelihoods of those who go through the proper legal process of bringing in imported goods,” dagdag niya.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW