May 3, 2024

P120-M pekeng sigarilyo, winasak sa Pampanga

TINIYAK at binantayan ni Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) Chief Alvin Enciso na nakatalaga sa Manila International Container Port (BOC-MICP), kasama ang ESS at Philippine Coast Guard ang pagwasak sa P120 milyong halaga ng pekeng imported na sigarilyo sa condemnation facility sa Porac, Pampanga. Ang pagsira sa milyong-milyong pekeng sigarilyo ay bahagi ng P219.6 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo na nasamsam ng BOC-MICP ngayong taon. (Kuha ni BONG SON)