May 9, 2024

P111-M COCAINE NALAMBAT SA KARAGATAN

Kumpirmadong cocaine drugs ang nasuyod nang lambat ng isang mangingisda sa karagatan malapit sa Bgy Tangbo, Arteche Eastern Samar.

Sa ginawang pananaliksik ng forensic examination ng PNP, ang nasabing  cocaine ay mahigit kumulang 21 kilos, nagkakahalaga ng P111.857 Milyon piso

Ayon sa report ng pulisya ang  cocaine ay nalambat ng mangingisda Marso 8, 2024, pasado alas 11:00 ng umaga. Nasa dalawang bungkos ng plastic ang nalambat ng naturang mangingisda sa baybayin ng Tangbo, Arteche.

May markang ZZZ sa kanyang  pakete, ayon sa pulisya palatandaan Los Zetas,  na ipinapasok ng Mexican criminal syndicate.

Pinagkalooban naman ang mangingisda  ng PNP sa pamamagitan  ni DRD for Administration  PBGEN Owen Andarino ng halagang P30 thousand pisong pabuya, magbibigay rin si  Mayor Roland Boie Evardone,  LGU Arteche ng P50K sa mangingisda.