November 24, 2024

P1,007 MINIMUM WAGE SA NCR,
INIHIRIT NG TUCP

Naghain ngayong Lunes ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila sa P1,007 kada araw.

Sa petisyong inihain sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Department of Labor and Employment, na P470 ang wage hike na inihirit ng grupo mula sa kasalukuyang P500 at P537 kada araw sa National Capital Region (NCR).

Ito’y bunsod  sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina.

Sa nakalap na datos mula sa Ateneo Policy Center, ang daily food requirement ay nagkakahalaga ng P734 para sa isang pamilya na may apat na miyembro, P917.50 sa pamilya na may limang miyembro, o P61.17 per meal bawat isang tao.

“That there is a compelling need to bridge the huge gap. The current minimum daily wage of P537.00 can only accord workers and their families ‘nutritionally deficient survival meals,’ which if continuously unaddressed an army of undernourished Filipino workers will have greater repercussions in the future of the country and of the economy,” mababasa sa petisyon.

Sinabi rin ng grupo na ang P3,874 mula sa P12,843.48 buwanang kita ay “lubhang hindi sapat” para sa health,

Itinutulak naman ng isa pang labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang  P750 minimum wage sa buong bansa matapos nilang tawagin ang kasalukuyang sahod bilang “starvation wages.”