December 24, 2024

P100 BAYAD SA PIRMA? LAGMAN BINUKING MGA NAGSUSULONG SA CHA-CHA

Isiniwalat ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pag-arangkada ng kampanya para sa Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan ng people’s initiative (PI) na may kasama umanong ‘bilihan’ para suportahan ito.

Ayon kay Lagman, inilunsad na sa Bicol ang Cha-cha nang ipatawag ang mga mayor ng mga administration congressman sa nasabing rehiyon noong Enero 5, 2024 kung saan ang PI umano ang kanilang pangunahing agenda.

“During the meeting, they were informed that people’s initiative will be used as a mode of amending the Constitution and they were given mobilization funds and the forms to be signed by at least three per centum of the registered voters of the legislative district to which their municipalities belong,” ani Lagman.

“Voters who would sign the petition for people’s initiative will be given P100.00 each, 50% of which has already been advanced to the municipal mayors and respective coordinators,” dagdag pa ng Pangulo ng Liberal Party (LP).

Dahil dito, sinabi ng impormante na kung P100 ang bayad sa bawat pipirma, aabot ng P330 million ang kailangang halaga para sa 3% sa kabuuang bilang ng registered voters sa buong bansa na kailangang lumagda sa PI forms.

“Hindi pa kasama dyan ang mobilization funds na mas malaki dahil kailangan mo ng maraming tao na magpapapirma sa mga registered voters,” pahayag ng impormante.

Wala pang sagot ang liderato ng Kamara sa isiniwalat ni Lagman na sinimulan nang ilunsad ang PI sa Bicol Region subalit tanging ang pahayag ni Lagman na walang implementing law sa PI ang kinontra ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

Si Garbin na dating chairman ng House committee on constitutional amendments, ang nakitang nakipagpulong sa mayors sa Bicol Region noong Enero 5 at wala itong sagot hinggil sa alegasyon ni Lagman na P100 ang ibabayad sa pipirma sa PI form na sinimulan na umanong ipamudmod sa local executives.

“Disturbing questions have to be answered like: (1) who is the mastermind of this campaign; (2) what are the proposed amendments to be pursued; (3) where do the funds come from; and (4) why buy the voters’ initiative?”