ARESTADO ang apat na suspek sa ikinasang buy-bust operation sa kanto ng Jose Abad Santos Abe., at Hermosa St., Tondo, Manila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Sahawi Bassit alyas ‘Imam,’ 46-anyos; Taras Malambut, 18; Jerry Maulana, 36, security guard; at Rahma Maulana, 34.
Bago isinagawa ang buy-bust operation ay isinailalim muna sa mahigit kalahating buwang surveillance ang aktibidades ng ilegal na droga ng mga suspek at nang magpositibo ay agad ikinasa ang operasyon pasado alas-8:15 kagabi.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 15 piraso ng maliliit na plastic sachet na naglalaman ng 150 na gramo ng bawal na droga o hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,054,000 at buy-bust money.
Kaugnay nito, pinapurihan ni NCRPO Regional Director PMGen. Debold Sinas ang MPD Station 7 dahil sa maagap na pagkakabuwag sa illegal drugs trade ng mga suspek na baguhan pa lamang aniya sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon