
HIMAS-REHAS na ngayon ang dalawang High Value Individuals na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng Dasmariñas City Component City Police Station nitong araw ng Martes at Miyerkules (April 2-3, 2025).
Base sa ipinadalang report ni Cavite Provincial Police Office Director Police Colonel Dwight Alegre kay Calabarzon Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nasakote nuon gabi ng Martes ang suspek na High Value Individual na si alyas “Alvin”, nasa hustong gulang sa lugar ng San Agustin 2 ng nasabing bayan at nasamsam sa sa suspek ang 3 pcs. of heat sealed transparent plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may bigat na 150 grams at worth P1,020.000.000. at ang ginamit na P50,000.00 boodle marked money.
Arestado rin nuon madaling araw ng Miyerkules sa Manuelle Ville, Barangay Burol Main ng Dasmariñas City, Cavite ang isa pjng High Value Individual na si alyas “Barok”, nakuha sa suspek ang anim (6) na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 95 grams at standard drug price na P646,000. at ang ginamit na P20,000.
Aabot sa halagang P1,666.000.00 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga sa dalawang suspek na mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.(KOI HIPOLITO)
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal