NALAMBAT ng mga operatiba ng Dasmarinas City Component Police Station Drug Enforcement Team ang tatlong mga suspek na High Value Individual matapos makuhanan ng P1.6 milyon shabu at isang baril sa Brgy. Salawag, Dasmarinas City, Cavite, nitong Huwebes ng hating gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Barok”, “Raymond” at “Jeff” mga residente sa kaparehong lugar.
Ayon sa ipinadalang report ni Cavite Police acting Provincial Director Police Colonel Dwight E. Alegre kay PRO Calabarzon Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, narekober sa mga suspek ang siyam na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may bigat na 240 grams ng mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga P1,632.000isang caliber 45 na baril na loaded ng isang magazine at tatlong piraso ng mga bala, isang sling bag na kulay itim, isang digital weighing scale at ang ginamit na boodle marked money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms in Ammunitions. (Erichh Abrenica)
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE