September 9, 2024

P1.5 milyon na ‘kush’ nasabat ng BOC-NAIA

Kuha mula sa https://www.facebook.com/BureauOfCustomsPH

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang isang parcel na naglalaman ng high grade marijuana (kush) na may street value na P1.5 milyon.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang nakumpiskang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City na misdeclared ay naglalaman umano ng streetwear at consigned sa indibidwal mula Pangasinan at galing California, USA.

Sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirmang kush ang laman ng pakete na may timbang na 940 gramo.

Itinurn-over na ito sa PDEA para sa imbestigasyon sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA. No 9165) in relation to the Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863).

Pinaigting naman ng Port of NAIA ang risk cargo targeting, K-9 dogs sweeping at intensified x-ray examination para masugpo ang pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.