Nakatanggap ng financial support si Olympian Hidilyn Diaz mula sa MVP Sports Foundation (MVPSF). Ang financial aid ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon bilang parte ng builup nito sa Tokyo Olympics.
Ayon kay MVPSF president Al Panlilio, naiintindihan nila ang pinagdadaanan ni Diaz. Kaya, umayuda sila para makatulong sa preparasyon nito sa olimpiyada.
“It was due to these unforeseen circumstances,” ani Panlilio, na presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Meralco Bolts representative sa PBA Board.
“We at MVPSF decided that it was best to realign our support to cover Hidilyn’s living expenses such as food and rent as she continues to remain focused towards her goal of winning the first Olympic gold medal for our country in her fourth time to qualify for the Olympics,” aniya.
Dagdag pa niya, bukod kay Diaz, hangad din ni MVPSF chairman Manny V. Pangilinan na maayudahan din ang ibang national athletes.
Kabilang sa Team Diaz ay sina Chinese mentor Kaiwen Gao, strengthening/conditioning mentor Julius Naranjo and therapist Belen Bañas.
Sila sa ngayon ay nasa training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Our chairman Manny V. Pangilinan deeply cares about all of the athletes under the MVPSF banner and we’re doing our best to help take care of their needs during this difficult time,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2