November 20, 2024

P1.5-M SHABU NASABAT NG BOC-NAIA SA CMEC

Tinatayang nasa P1.5 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa isang parcel ang nakompiska ng mga awtoridad ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), naharang ng BOC ang parcel na ipinadala mula California.

Ayon kay District Collector Yasmin Mapa, naka-address ang kargamento sa isang recipient sa Taguig City at nasita sa routine inspection kung saan napag-alaman na may laman itong 230 gramo ng illegal na droga.

Itinurnover ang nasabat na droga sa PDEA at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

“This interception is a product of the heightened security measures of the Bureau to protect our borders against any attempt to import illegal drugs,” diin ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. (ARSENIO TAN)