January 19, 2025

P1.3-M SHABU, NASABAT MULA SA HVI NA MOTOR TAXI RIDER

NATIMBOG ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Office 4A Regional Special Enforcement Team (RSET) matapos magkasa ng buy-bust katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Rizal Police Provincial Office ang isang motor taxi rider na tulak ng ipinagbabawal na gamot kahapon, December 2, 2024, dakong alas-2:00 ng hapon sa Barangay Ampid 1 General Luna, San Mateo, Rizal.

Base sa ulat, nagresulta ang pagkakahuli ng high value individual (HVI) na suspek matapos itong makipag-meet-up at magbenta ng pakete ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Ang naaresto ay kinilala na si Alyas Ramos, 34-taong gulang na residente ng Buntong Palay, Purok 1 Silangan, San Mateo, Rizal.

Kasama sa narekober at nakumpiska mula sa suspek ang mga ebidensya:

1. 4 na pakete na may lamang hinihinalang SHABU na may kabuuang bigat na humigit kumulang 200 gramo na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso (PHP 1, 360,000.00).

2.  2 pirasio ng gray paper bag

3.  1 piraso brown paper bag

4. 1 piraso brown paper bag na may 1000 peso bill na ginamit na boodle money

5. 1 piraso ng cellular phone

6. 1 piraso ng drivers license

Nakapiit ngayon ang suspek sa PDEA 4A Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (AIDA TAGUICANA)