BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na ayaw pa ring magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Bagama’t nirerespeto niya ang desisyon na mga ayaw magpabakuna, nagpahayag pa rin ng pag-alala si Duterte ng dalang panganib ng mga hindi nabakunan sa ibang tao.
“May mga iba diyan na ayaw talaga magbakuna, eh ‘di okay na lang ‘yan sa akin. Ang problema kung makahawa ka,” ayon sa Chief Executive sa kanyang “Talk to the People” address.
“The problem with being a bravado, ‘yang hambog, sabihin mo ‘eh ayaw ko kasi hindi naman ako naniniwala diyan.’ If I were to talk to you in the gutter language, sabihin ko sa iyo, ‘p***** i** mo, mamatay ka na kung gusto mo limang beses, ang problema ang mahawa mo’,” sabi pa niya.
“Iyang ayaw pang mamatay, gusto pang magpasyal sa Luneta. Ikaw kung nagsawa ka na sa buhay, sumobra na ‘yong pera mo o nagkulang ‘yong pera mo, kung sawa ka na talaga sa buhay na ito, gawin mo ‘yan. Iyon ang problema ang contamination,” dagdag pa niya, Sa kabuuang bilang, ay 1,255.716 ang nabigyan ng bakuna, habang 162,065 mga indibidwal na ang nakakumpleto ng dalawang shot ng bakuna.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD