Iniluklok ng World Wrestling Entertainment (WWE) sina Ozzy Osbourne at William Shatner sa ‘Hall of Fame’.
Ito’y dahil sa kanilang cameo appearances at contribution sa naturang palabas. Lumabas ang The Black Sabbath hero sa second edition ng Wrestlemania noong 1986.
Tinulungan nito ang tag-team na The British Bulldogs para sikwatin ang tag-team belts. Kalaunan, umeksena rin ang 72-anyos na rock legend sa musical appearance sa 2007 Smackdown recording.
Gayundin bilang special guest host sa 2009 RAW episode.Samantala, si Shatner ng sci-fi series na Star Trek ay lumabas sa RAW episode.
Noong 1995, lumabas siya sa King’s Court. Matapos ang isang linggo, sumampa siya sa ring bilang kakampi ni Bret “The Hitman’ Heart. Ito’y nangyari sa Survivor Series 1994 kung saan tinalo ni Bret Hart si Jef Jarrett.
Ang ‘Hall of Fame’ ceremony ay amalgamation o kumbinasyon ng 2020 at 2021 inductess. Nakansela kasi ang pagluklok sa mga inductess noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga inductess ang Bella Rwins, Erik Bischoff, Kevin Nash, X-Pac, Scott Hall at HBL. Gayundin sina The British Bulldog “Davey Boy Smith, Titus ‘O Neil, Rob Van Dame, Molly Holly, The Great Khali, Kame at Hulk Hogan.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON