Muling itinanggi ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang planong patalsikin si Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.
Ito’y matapos ang pagkakatanggal ni Arroyo bilang deputy speaker.
Matatandaan na sinibak si Arroyo at ang kanyang kapwa deputy speaker na si Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanilang posisyon sa dahilang hindi ito pumirma sa isang resolusyon na layong pigilan ang banta laban sa mababang kapulungan.
“I was abroad when the Resolution was signed, so I was not able to sign it,” ayon kay Arroyo.
“I have never taken or supported any action to remove Speaker Romualdez from his position. In fact, I have publicly stated that I have given up any plans to aspire for the Speakership again, in this and any future Congress that I would have the honor to be part of,” dagdag pa ng dating pangulo.
Ngunit kung may mangumbinse man umano kay Romualdez na hindi niya totoong sinusuportahan ang pamumuno nito sa Kamara, wala na umano siyang magagawa hinggil dito.
Pahayag ni Arroyo: “Even as an ordinary congressman, I will remain true to my word to President Marcos, Jr.–I will continue to support his preferred man for House Speaker, and that is Speaker Martin Romualdez.” “Having made myself clear, I think we should now move on to more pressing national concerns,” dagdag pa niya.
More Stories
DSWD SASALAIN MABUTI ANG MGA BENEPISYARYO NG AKAP PARA HINDI MAPOLITIKA
CONTRIBUTION HIKE NG SSS, SIMULA NA NGAYONG 2025
TAAS-ALLOWANCE SA MGA ATLETA IHIHIRIT NG PSC