November 23, 2024

Oscar De La Hoya, babalik na sa boxing ring sa July 2021

Pagkalipas ng ilang taong pamamahinga, sigurado na ang muling pag-upak ni Oscar De la Hoya sa boxing ring. Ang target na petsa ay sa July 3, 2021.

Tinuran ng binansagang ‘Golden Boy’ ang kanyang plano sa press con ng April 17 bout nina Jake Paul at Ben Askren.

July 3, I’m making my comeback,” sabi ni De La Hoya kayTriller co-owner Snoop Doggy Dog.

Ang tanong tuloy ng ilan, bakit babalik siya sa boxing? Kailangan daw ba niya ng pera? Maayos pa baa ng financial status ng kanyang Golden Boy Promotions?

Ang kanyang mga alaga sa promotion na sina Ryan Garcia at Vergel Ortiz Jr. ay tila nanlilimos daw ng laban?

Kung lalaban siya, may manonood pa bang boxing enthusiast sa isang 47-anyos?

Kanino siya kakasa? Ilan sa napipisil ay si Gennady Golovkin. Nasa listahan din sina Keith Thurman, Shawn Porter, Errol Spence Jr.

Gayundin sina Terrence Crawford, Danny Garcia at si Sen. Pacquiao. Ang mga nabanggit ay option na pwede nitong labanan.

Si De la Hoya ay may boxing record na 39-6, 30 KO’s. Nagretiro siya sa boxing matapos mabigo kay Manny Pacquiao noong December 2008.