TINALAKAY sa pagdinig ngayong araw ng Committee on Human Rights ng konseho ng Caloocan City ang panukalang ordinansa na magbibigay proteksiyon sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Ang naturang ordinansa ay may pamagat na “Recognizing, Promoting and Protecting the Rights of Human Rights Defenders, Providing Penalties for Violation Thereof and other purposes” o ang “Caloocan Ordinance on the Recognition and Protection of Human Rights Defenders.”
Muling nanguna sa pagdinig si Konsehal Alex Mangasar kasama sina Coun. Pj Malonzo, Coun. Rose Mercado, Coun. Alou Nubla, at Representative of Coun. Carding Bagus, Rep. of Coun. Lanz Almeda.
Kasama din sa dumalo ay sina Former Congressman ng Kabataan Partylist, Jigs Clamor Deputy Secretary ng KARAPATAN at Cai Dela Cruz mula sa NCCP.
Ang naturang ordinansa ay pumasa na sa unang pagbasa noong Disyembre 9, 2020.
Mayroon na ding ganitong ordinansa ang naipasa sa Lungsod ng Baguio at Iloilo. Kung sakaling pumasa ito, ang Lungsod ng Caloocan ang kauna-unahang lungsod sa buong Metro Manila ang makakapag bigay ng proteksyon para sa ating mga Human Rights Defenders.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA