Pormal nang ipinagbawal sa Navotas City ang paggamit ng videoke at karaoke videoke and karaoke machines o anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante makaraang ipasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance No. 2020-41.
Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa na nakagagagawa ng nakapang-aabalang ingay ay bawal na rin.
“We have received a number of complaints regarding neighbors who use videoke and other machines that produce loud sounds during school hours. This makes it difficult for our students to listen to their teachers and concentrate on their studies,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Videoke or karaoke sessions are pleasures in life that we must sacrifice for now. COVID-19 has made our life difficult. Let us help one another overcome any hardship that the pandemic has brought upon us, even if this means foregoing pastimes to help our students learn better,” dagdag ng alkalde..
Ang paggamit ng videoke, karaoke at mga katulad na gamit ay pinapayagan kapag holiday at kung araw ng Linggo, 1:00 pm hanggang 10:00 pm.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P250 habang P500 naman ang multa sa ikalawang paglabag. Ang ikatlo at kasunod pang paglabag ay may multang P1,500.
Ipawawalang-bisa ang nasabing ban sa sandaling magbalik na ang face-to-face classes.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna