May 19, 2024

Ayaw na raw sa kanya ng Kapamilya TV Network? PIOLO PASCUAL, TANGGAP NA RAW ANG NAGING DESISYON NG ABS-CBN

SIMULA nang lumipat si Piolo Pascual sa Kapatid Network tiyak nang pag-iinitan ito.

Dalawang rason ang tiyak na ipupukol sa aktor. Una, ang patuloy na simpatiya niya kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang ikalawa ay ang paglipat niya sa ibang TV Network. Inaasahan na raw ng kampo ni Papa P., na ganuon ang mangyayari. Wala pa ngang pandemic ay mukhang nararamdaman na niya ang hindi magandang trato sa kanya ng nasabing TV Network.

Kung loyalty naman daw ang pag-uusapan, loyal naman ang actor. Pero talagang binalewala ng ABS-CBN ang suportang ginawa ni Piolo sa pag-iingay sa tapat ng kanilang TV station. Ngayon mukhang pinalalabas ng Kapamilya TV Network, na ayaw nila kay Piolo dahil nag-over da bakod nga siya at ang lahat ng mga kasama niya sa ABS-CBN.

 Pero ganun paman, tuloy pa rin daw ang buhay basta ang mahalaga ay may show na siyang nalipatan.

Ito pa, iritada ang mga fans ni Piolo, bakit daw hindi nakita ng ABS-CBN management ang pakikipaglaban na ginawa ni Piolo para sa kanilang TV station. Hindi raw nagtataka mga supporters ni Papa P. kung bakit na ipasara ang nasabing TV station na maagang na karma. Mukhang matatagalan pa sila na makabalik, dahil malaki ang kanilang pagkakautang sa gobyerno.