May 18, 2024

ORANGE AND LEMON, NABASTUSAN SA PAGSINGIT NI FRANCINE?

ANG dapat sisihin diyan ay ang organizer at ang manager o handler, dahil hindi nila sinunod ang program flow.

“Ang totoong nangyari, tinawag na ng host ang Orange and Lemon. Nagsigawan na nga ang mga tao, pero ng tutugtog na ang banda, bigla namang tinawag ng host si Francine at umakyat ito para kumanta.

“Doon na nagkaroon ng tension, habang bumabati si Francine sa inis ni Clem Castro ay nilakasan niya ang pagtipa niya sa kanyang electric guitar.

“Habang nag-uusap usapan naman ang OAL, dahil sa pag-singit nga na ginawa ni Francine nag-decide na lang silang umalis ng stage.

“At nang bumalik ang OAL, humingi si Clem ng paumanhin sa mga manonood. Humingi siya ng paumanhin, dahil nga sa pag-singit ni young actress at respeto lang ba.”

 Parang lumalabas na ngayon ang kulay ni young actress, sana huwag dahil makakasira iyan sa kanyang showbiz career, “chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.