KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ dahil walang suot na helmet sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang naarestong suspek na si alyas “Jhon”, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa report ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) sa kahabaan ng Lanzones Road, Brgy. Potrero nang parahin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo dahil walang suot na helmet dakong alas-9:15 ng gabi.
Sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng suspek ang minamanehong motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner s Orange Road at maaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang cal. 9mm revolver na kargado ng limang bala at nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad nito ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya ng pulisya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA