NAGHAIN ng petition sa Court of Appeals ang Public Estates Authority Tollway Corporation o PEATC na naglalayong tanggalin sa Cavite Infrastructure Corporation CIC at President/General Manager Raul Ignacio ang pangangasiwa sa operasyon ng Manila Cavitex Toll Expressway Project o MCTEP.
Sa petition ng PEATC, hiniling na maglabas ng writ of mandamus ang Court of Appeals na nag-aatas sa CIC na ilipat ang pamamahala at operasyon ng MCTEP sa PEATC at pangungulekta sa toll way;
Pabilisin ang paglilipat ng point of sales at iparehistro sa pangalan ng PEATC;
Ilipat ang lahat ng contract service agreement sa PEATC na may kaugnayan sa operasyon ng MCTEP particular ang account management contract sa Easytrip gayundin ang paglilipat ng account names ng public utilities sa PEATC.
Pinaliwanag sa petisyon na illegal ang pangangasiwa ng CIC sa MCTEP lalo na at tinanggal ang karapatan ng PEATC na mapamahalaan ang MCTEP.
Binanggit din sa petisyon na nagpaso na ang otoridad ng CIC na hawakan ang MCTEP at magdudulot ng malaking kawalan sa koleksiyon ng gobyerno kung magpapatuloy ang pangangasiwa rito n CIC, gaya nang malaking halagang nawala sa pamahalaan na ₱2.4-B na kinita noong 2023.
Ang PEATC o PEA Tollway Corporation na pinamumunuan ng Officer in Charge Dioscoro Esteban Jr, ay bahagi ng Philippine Reclamation Authority o PRA at may legal na kapasidad upang saklawin ang MCTEP.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA