SAAN parte ng mundo ka makakakita na ang pamantasan ng estado ay mas mataas pa ang ere ng mga administrador nito kesa sa nakaupong administrasyon?
Saan ka makatatagpo ng mga iskolar ng bayan na nagsisisigaw sa kalye para ibagsak ang pamahalaang nagpapaaral sa kanila ng libre?
Doon mo rin makikita ang mga ginagawang aktibistang parapernalya, subersibong mga karatula at sinusunog na effigy sa kanilang pagmamartsa at pagra-rally na ginagawa mismo sa kampus ng state-run institution na noon ay lunduyan ng mga matatalinong estudyante pero pinurol ng radikal sa lihis na paniniwala.
Anong unibersidad ng gobyerno ang nagbabawal papasukin ang mga alagad ng batas ng estado na kailangan magpaalam muna sa pamunuan kung bibigyan ng pases papasok sa tungkuling pagpapatupad ng batas?
Anong ideolohiyang meron ang mga namumuno ng State U na feeling nila ay untouchable sila ng batas at may sariling soberenya ang buong campus na may sarili pang kapulisan?
Anong klaseng institusyon ang ayaw makinig sa hinaing ng mga magulang ng kanilang estudyante at katulad ng mga sundalo at militar na off limit sa loob ng pamantasan? Pero ang mga aktibista at radical kahit outsider sila ay may pases na makihalo at makiisa sa kilos protesta laban sa gobyerno mula noon at mag-recruit ng mga estudyante para sa armadong kilusan ng mga pulahan.
Bakit praning sila sa alagad ng batas ng estado? Mabibisto ba ang kanilang pagiging terorista?
Kaya pala ganun sila kaangas ay dahil sa isang kasunduang papel daw noon sa pagitan ng institusyon at ng gobyerno na nakagoyo nang matagal na panahon pabor sa mga pula na nagbigay laya sa mga iskolar ng bayan na maging suwail at ingrato sa kumakalinga sa kanilang gobyerno.
Para silang mikrobyo mula pinuno, ilang propesor at mga dicipulos na kapag di mapigilan ay patuloy ang pagkalat nito ng lagim sa institusyong iginagalang at tinitingala noon.
Ngayon ay paso na ang kasunduang idi naman nakaukit sa bato.
Malalaman na ang misteryong nilukob doon nang matagal na panahon.
Mababasag na ang pula upang maibalik sa dati ang imahe ng simbolo ng karunungan ng estado na nabahiran ng ideolohiyang walang DIYOS. Dahil ang mga nagkasungay sa kanila sy kumikitil na ng buhay ng kapwa. Ang talino nila ay nalason ng kamangmangan sa maling paniniwala.
Idinamay nila sa larawan ang mga tunay ng henyo at may pagmamahal sa bayan.
Walang puwanng na dito ang anumang dayalogo dahil ang tunay na may-ari ng institusyon ay ang estado at tanging ang batas ng pamahalaan ang siyang masusunod hindi ang mga sutil at maangas na iskolar ng bayan at pamunuan. Dito lang sa bayan ni Juan nangyayari iyan. Sila ang mga radikal, subersibo , suwail, ingaroto at ulupong na tumutuklaw sa taga-alagang nagpapakain sa kanilang mga hayop sa damong salot ng lipunan. Utak Pulahan, Unibersidad ng Protesta, Ungas na Pasaway,Ulupong ba Pamatay, kayo na humusga… it’s UP to you… Ubusin Puksain! ABANGAN!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino