November 24, 2024

OMICRON VARIANT, PAGHANDAAN NA HABANG MAAGA

Ngayon pa lang ay paghandaan na ang Omicron Variant, na bagong evolved na virus ng COVID-19. Natural lang na magpalakas ang pesteng virus na ito habang pinalalakas ang immune ng mga tao. Parang mutant na lumalakas kapag malakas ang kalaban.
Sa pamamagitan ng vaccination, nagkakaroon ng depensa ang tao laban sa virus. Gayunman, tila boksingero itong mga virus na ito. Ika nga; ‘once yu strengthen your sister, the virus evolved”.

Nagpapalakas din ata ito. Kaya, lumitaw ang ‘Omicron Variant’. Unang nanalasa ito sa kontinente ng Africa. Kaya, naghigpit ang ating otoridad dito. May mga bansa na roon na bawal pumasok sa ating bayan. Sa gayun ay di pumasok ang Omicron.


Peo, dapat pa rin tayong maging alerto at maingat. Na sa kabila ng paghihigpit, tiyak na makapapasok ito. Hindi nga lang natin alam kung kailan.


Kung papaano? Ito ay dahil sa mga biyahero galing sa ibang bansa. Lalo na ang mga bakunado. Dahil sa vaccinated na ang ilan, hindi sila tatablan basta ng Omicron. Pero, kapag nakakapit ito sa kanila at lumipat sa iba, tiyak na kakalat ang virus. At ang tatablan nito ay ang mahina ang immune system at ang mga wala pang bakuna.


Hariwanang huwag mangyari. Pero, kung di maiiwasan, dapat may contingency plan na ang gobyerno para mabawasan ang epekto nito. Para di na mabigat sa tao kapag nagpatupad uli ng lockdown.


Basta sundin laqng ang protocols at iang prevention na itinagubilin sa atin. Tiyak na makakaiwas tayo.Sumunod tayo kalakip ang pananamapalataya sa Diyos. Na ingatan Niya tayo sa mabigat na karamdamang ito.