Nagsanib puwersa sina Dillon Brooks at Jonas Valanciunas upang akayin ang Memphis Grizzlies sa panalo kontra Oklahoma City Thunder, 121-92.
Nagtala si Brooks ng 22 puntos habang 19 naman ang kay Valanciunas at 11 boards. Ang panalo ng Memphis ang kanilang first win sa NBA restart. Kaya, kumakapa sila para sa 8th seed na may 1-4 record sa bubble.
Impresibo rin ang ginawa ni rookie Jah Morant sa laro. Umiskor si Morant ng 19 at may 9 assists.
Umiskor naman si veteran guard Chris Paul ng 17 at 5 assists sa Thunder. Bagama’t lumamang ng 18 points sa first half. Ngunit, nakahabol ang Grizzlies at nasilat pa sila sa huli.
Dahil sa pagkatalo, nakalamang ang Rockets para sa karera sa fourth seed sa Western Conference. Sa pangkalahatan, may win-loss record ang Memphis na 33-37. Habang 42-26 naman ang sa Thunder.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo