May 12, 2024

BREAKING: Ex-Mayor at Dirty Harry ng Maynila na si Alfredo Lim, pumanaw na

TULUYAN na ngang namaalam si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa edad na 90.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Agila ng Bayan, pumanaw ang dating alkalde bago mag-alas 6:00 ng hapon.

Kinumpirma rin ng kanyang apo na si Paul Dela Cruz sa kanyang Facebook account ang pagpanaw ng kanyang lolo.

https://www.facebook.com/pauledward.almario/posts/2630489673830187


Una ng napaulat na isinugod sa ospital ang tinaguriang “Dirty Harry” ng Maynila matapos umanong dapuan ng coronavirus pandemic (COVID-19).

Si Lim ay naglingkod bilang mayor ng siyudad noong 2017 hanggang 2013.

Naging hepe rin siya ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.