
Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang taas presyo ng mga produkto.
Mayroong P1.45 ang itinaas ng kada litro ng gasolina habang mayroong P1.90 ang idinagdag sa kada litro ng diesel.
Nagdagdag din ng P1.70 sa kada litro ng kerosene.
Naunang nagpatupad ng dagdag presyo ang Caltex kaninang 12:01 ng hatinggabi habang halos magkakasabay naman ang ibang mga kumpanya ng langis kaninang ala-6 ng umaga at alas-4:01 ng hapon nagtaas ang Cleanfuel.
Ito na ang ikaapat na pagtaas ngayong taon.
Mula kasi noong Enero 1 ay mayroon ng kabuuang P7.20 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P4.95 sa gasolina at P6.75 sa kerosene.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon