November 3, 2024

OFW nagbigti sa quarantine hotel

Nangako ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kanilang palalawigin ang tulong sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW), na namatay sa isang hotel room sa Pasay City ngayong Lunes ng umaga.

Isinagawa ni OWWA Administrator Hans J Cadcad, ang pangako habang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang umano’y suicide incident.

“Right now, what is important is to guide and keep the family company throughout this process with the SOCO [Scene of the Crime Operatives] and in claiming the remains of their loved one and laying it to rest,” ayon kay Cadcad sa isang phone interview sa BusinessMirror.

“We will provide [OWWA] benefits and support to the family, who was left behind, at the right time,” dagdag niya.

Nabatid na galing sa Papua New Guinea ang 40-anyos na lalaki na OFW at residente ng Taytay, Rizal. Dumating ang lalaki sa bansa bandang 8:00, Linggo ng gabi (January 2).

Natuklasan ng staff ng hotel ang walang buhay na katawan ng biktima nang magpadala ang pamilya ng OFW ng mga grocery.

Sinubukang tawagan ang telepono sa hotel room ng OFW, ngunit walang sumasagot dito kaya kaagad na pinuntahan ng isang marshal mula Philippine Coast Guard at houseparent mula OWWA ang kwartong tinutuluyan nito.

Kinatok nila ang hotel room ngunit wala pa ring rumeresponde, dahilan para magpatulong na sila sa security supervisor ng hotel kung saan tumambad ang nagbigti na OFW.