NAVOTAS CITY
ISANG 26-anyos na construction worker ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagtulungan gulpihin at pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan sa Navotas City, Linggo ng gabi.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Canter sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si Rafael Codilla, 26 ng Road 10 Sitio Sto. Niño Brgy. NBBS Proper.
Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya kontra sa suspek na si kinilala sa alyas “Carlito” ng Santiago St., Brgy. NBBS Proper at sa dalawang hindi pa kilalang kasabwat nito.
Sa report ni PCPL Billy Godfrey Aparicio kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-6 ng gabi, nagdiriwang ng simpleng okasyon ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang lumabas ito upang bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan.
Habang nakatayo ito at nagyoyosi sa tapat ng tindahan nang lapitan siya ng mga suspek at hindi malaman na dahilan ay bigla lamang sinapak ni Carlito sa mukha ang biktima.
Tumulong na rin ang dalawang kasama ni Carlito sa pambubugbog sa biktima at nang takain umano nitong lumaban ay naglabas ng patalim ang mga suspek saka pinagsasaksak sa katawan si Codilla bago nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.
Isinugod naman sa naturang pagamutan si Codilla habang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa insidente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA