
MULING nanawagan ang mga grupo ng mga manggagawa kay Pangulong Ferdinand Marcos na i-certify as urgent ang panukalang batas na nagtatakda ng P200 taas-sahod sa buong bansa.
“Sa dalawang linggo na pag-uusapan ng Kongreso ang nalalabing business nila, marami pang ibang bills. Kaya nangangailangan ng sertipikasyon ng ating Pangulong Marcos para makasigurado na ito ay maipasa na sa third reading, didiretso na sa bicam at ito ay pipiramahan at magiging batas,” wika ni TUCP Vice President Luis Corral.
“It is 36 years since we last had a legislated wage increase. Napapanahon na. In the face of unprecedented hunger and increasing poverty, there is a national emergency.,” dagdag pa niya.
Nag-break ang Kongreso noong Pebrero 5, 2025, upang bigyang-daan ang campaign perion para sa Election 2025. Ipagpapatuloy ang sesyon sa Hunyo 2 hanggang sa sine die adjournment sa Hunyo 13, 2025.
Noong Pebrero, inaprunahan ng House of Representatives sa second reading ang House Bill No. 11376 o ang “Wage Hike For Minimum Wage Workers Act” na nagtatakda ng daily rate ng lahat ng minimum wage workers sa pribadong sektor, anuman ang estado ng kanilang trabaho, ay tataasan ng P200 kada araw.
Naaprubahan na rin ng Senado ang P100 legislated daily minimum wage hike para sa private sector workers noong Marso 2024.
Samantala, hinimok ng NWC si Pangulong Marcos na makipagpulong sa labor leaders.
“Hanggang ngayon wala pang pagkakataon na napagbigyan yung mga leaders na makausap sya….Napaka-importante sa leader ng bansa na kausapin ang lider ng kaniyang social partner,” saad ni Nagkaisa Sonny Matula. “Walang tunay na makakapag-salita para sa manggagawa maliban sa mga manggagawa. Kaya ang ang aming request sa kaniya harapin niyo po ang leader ng TUCP para makita niya at mapakinggan ng personal ang hinaing at isyu na dala ng manggagawa,” aniya.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Malacañang na ang mga petisyon para sa pagtaas ng sahod ay nasa Regional Wage Boards.
More Stories
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
WELCOME BACK, VP SARA – HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER
11 MIYEMBRO NG GABINETE DADALO SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA SENADO