January 27, 2025

NURSING STUDENT HINDI PINAG-MARTSA DAHIL SA GRADUATION FEES

Hindi naitagago ni Celene Rosalado sa social media ang kanyang pagkadismaya matapos hindi makapagmartsa ang kanyang kapatid na isang nursing student sa graduation ceremonies ng isang college sa La Union.

Matatandaan na nag-viral ngayon ang kuwento ng binatang si John Marcelino Rosalado, nursing graduate ng Lorma Colleges sa La Union.

Ginanap ang graduation ceremonies noong Hunyo 23, 2022.

Pero ang dapat sana ay masaya araw para kay John at ng kanyang pamilya ay napalitan ng lungkot nang pigilan magmartsa sa entablado at tumanggap ng kanyang diploma.

“Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee,” mababasa sa caption ni Celene.

‘Ang pinaka-masakit po dun ay yung hitsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma,’ saad pa niya.

Hawak lang ni John ang isang nakabalot na papel na ginamit niya sa photo ops pagkatapos ng graduation rites.
Samantala, nakikiramay ang mga netizen kay Rosaldo at nananawagan ng karagdagang aksyon laban sa kawalan ng patas ng paaralan.

Nanawagan din sila kay incoming DepEd secretary at Vice-president elect Sara Duterte na bigyang-pansin ang isyung ito.

(Bukas ang Agila ng Bayan para mailathala ang panig ng Lorma Colleges)