Pinilipit ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets, 113-107 sa intense Game 3 ng Western Conference semifinal.
Kaya naman, abanse na sa serye ang Clippers, 2-1 sa kanilang best-of-seven showdown.Rumatsada ng 32 points, 4 boards at 4 assists si Paul George para sa Clippers.
Umasiste naman si Kawhi Leonard na gumawa ng 23 points, 14 boards at 6 assists.
Malaking bagay ang magandang shooting ni George at mid-range shots ni Kawhi. Kung saan, may 56 combination ang dalawa sa laro. Kabilang dito ang 31 points combination sa halftime.

Sa panig naman ng Denver, nanguna si Nikolai Jokic sa pagtala ng 32 points, 12 board at 8 assists. Tumulong naman si Michael Porter Jr, na nag-ambag ng 18 points, 10 rebounds at 3 steals.
Naging dikitan ang laro mula first hanggang third quarter. Ngunit, kumamada ng 23-10 run ang Clippers. Kung saan, 29 points ang binuslo nito kumpara sa Denver na 19 points.
Narito ang stats sa laro ng Clippers-Nuggets sa Game 3
LAC:Paul George: 32 Pts. 4 Rebs. 4 Asts. 2 Stls. Kawhi Leonard: 23 Pts. 14 Rebs. 6 Asts. 1 Blks. Marcus Morris: 12 Pts. 4 Rebs. 3 Asts.Montrezl Harrell: 11 Pts. 3 Rebs. 2 Stls. Lou Williams: 10 Pts. 5 Rebs. 3 Asts. 2 Stls.
DEN:Nikola Jokic: 32 Pts. 12 Rebs. 8 Asts. 1 Stls. Michael Porter Jr.: 18 Pts. 10 Rebs. 1 Asts. 3 Stls. Jamal Murray: 14 Pts. 4 Rebs. 8 Asts. 2 Stls. Paul Millsap: 11 Pts. 2 Rebs. 2 Asts.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo