MATAPOS ang matagumpay na pagdaraos ng unang edisyon ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA), muling aarangkada ang mga aksiyon nito sa second season ng NUCAA sa susunod na buwan ng Setyembre kung saan ang pambungad na mga bakbakan ay pagtutunggalian sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ayon kay NUCAA founding head Leonardo ‘Ding’ Andres, bukas pa ang patalaan para sa mga paaralan o institusyon, (Kolehiyo o Universidad) upang mai-finalize na ang roster ng mga kalahok sa prestihiyosong liga na pinangangasiwaan ng mga personalidad na tanyag at may pangalan na sa sports community partikular sa larangan ng basketball.
Dinomina ng Philippine College of Criminolgy ( PCCR) ang buwenamanong edisyon upang angkinin ang mga kampeonato sa men’s( seniors) basketball, juniors division at women’s division.
Nagpasiklab din ang mga paaralang San Pedro College of Business Administration, CSCQC at Electron College.
Katuwang din ni Andres ang mga kilalang personalidad na sina Arlene Rodriguez (dating Toyota coach) at Ogie Bernarte sa teknikal na aspeto.
Magdaraos ng managers and coaches meeting sa Agosto 11 habang ang final na pagpupulong ng mga directors at stakeholders ay gaganapin sa Dusit Thani Hotel, Makati City sa Agosto 17.
Para sa iba pang detalye, kumontak sa cp # 0905 553 8622 at sa email # [email protected]
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA