January 23, 2025

NU PEP SQUAD COACH, PUZZLED SA JUDGING NG UAAP CHEERDANCE

Pumuwesto lamang ang NU Pep Squad sa katatapos lang ng UAAP Cheerdance tilt. Ayon kay coach Ghicka Bernabe, ginawa nilang lahat ng makakaya upang manalo. Ngunit, nabigong sungkutin ang cheerdance title.

Nakopo ng FEU Tamaraws ang titulo kasunod ang Adamson University. Halos 13 taong hinintay ng FEU na makuha uli ang titulo sapol noong 2009. Kaugnay ditto, hindi niya kinuwesyton ng todo ang resulta ng competition. Pero, napag-isip siya kung ano ang standard ng bagong rules sa pagdya-judge.

Naglista ang Pep Squad ng 681 points mula sa panel of judges. Kasama na rito ang bawas na 6 points. Samantalang nakakuha ang Adamson ng 688.5 points na walang deduction.

I think my team did really well. If there’s a wobble doon sa segment ng stunts, I don’t think it would affect entirely the routine,” ani Bernabe.

Ang duda niya, nabawasan sila dahil sa pagwagayway ng kanyang kamay sa Stunt II. Na hindi naman kalabisan na may katumbas na 2 points.

“‘Di ko pa talaga ma-explain, pero yun yung wine-weigh ko ngayon. Baka kasi ganun na yung maging standard na hindi na ganun,” aniya.