
Nilapa ng NU Lady Bulldogs ang Ateneo Lady Eagles, 25-22, 25-15, 22-25, 25-22 sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa MOA Arena, Pasay. Kapwa nagtala ng tig-18 points sina Princess Robles at Mhicaela Belen para sa Bulldogs.
Lumagare naman ng 15 points si Alyssa Solomon. Apat sa points na ito ay mula sa aces. Habang si Ivy Lacsina naman ay pumalo ng 12 points.
Ang panalo ay kauna-unahan si sa NU makalipas ang apat na taon. Ipinalasap nila sa Ateneo ang second straight defeat sa torneo.
“Siguro in terms of nung preparation lang siguro namin naging malaking bagay sa amin,” ani NU head coach Karl Dimaculangan.
“Pero yung errors namin yung nagiging problema namin so iaaddress namin yun, kailangan naming mag-review,” aniya.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT