Aninag na ng NU Lady Bulldogs ang kasadong finals berth sa UAAP Season 84 women’s tournament. Sinakmal nito sa 3 sets ang UST Lady Tigresses, 25-22, 29-27,25-17 sa laro na idinaos sa MOA Arena.
Naitala rin ng NU ang 14-0 sweep record sa elimination. Nanguna sa panalo ng team si Cess Robles.Nagtala si Robles ng 13 points mula sa 10 attacks, 2 blocks at service ace.
Nag-ambag naman si Alyssa Solomon ng 12 markers na pawang kills lahat. Nagdagdag din si Bella Belen ng 12 points. Habang si Lams Lamina ay 11 points at 30 excellent sets.
“Yung challenge talaga ng UST, lumaban din sila at napwersa din kami na tumodo sa kanila,” ani coach Karl Dimaculangan.
“Sinabi ko na sa kanila, mahirap talaga pero kailangan trabahuhin namin na point-by-point.”
Binuhat naman ni Eya Laure ang UST na may 13 points mula sa 12 kills at 1 block. Dalawang panalo na lang ang kailangan ng NU upang makuha ang kampeonato. Na mangyayari uli matapos ang 65 taon.
Ang 14-0 sweep sa elimination ang huling nagawa noong 7 taon na ang nakaraan.Nangyari ito noong naitala ng Ateneo Lady Eagles noong UAAP Season 77.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2