SIMULA na ng marubdob na training ng defending UAAP champion National University Bulldogs para sa susunod na season ng naturang liga.
Bagama’t graduate na ang ilang champion player nito, naka-recruit naman ang coaching staff ng Bulldogs ng mga mas bata at potensiyal na manlalaro mula sa kanilang scouting sa lalawigan at Palarong Pambansa.
“Sampung rookies ang ating nai-lineup mula scouting at tryout that will fill the shoes of our graduated champion caliber players,” wika ni head coach Romar Landicho.
Ang mga bagitong Bulldogs mula Laguna, Batangas, Cavite, Visayas at Palaro ay kinabibilangan nina Ben Joebert Gorpido, Rene Arnold Meniosa, John Emmanuel Descalso, Christian Dashiel Democrito, Kenshin Clamor,Jermine Keith Castillo, Bryan Lagumbay, Lester Balon,Geant Zackie Bacarisas at Jilwin Balani.
“Desidido ang mga bata na magtala ng back-to-back championship kaya ngayon pa lang ay komprehensibo na ang kanilang pag-eensayo..Go NU Bulldogsā¦ GO!” wika naman ni NU team manager Wopsy Zamora.
Bilang bahagi ng mission back to back ng NU batters ay ang paglahok ng Bulldogs sa 2nd conference ng Liga Baseball Philippines( LBP) sa Nobymbre ng taon.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW